2 obrero patay sa kuryente
April 3, 2007 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna  Dalawang trabahador ng metal works ang iniulat na namatay makaraang makuryente habang nagdidiskarga ng metal railing sa bayan ng Lumban, Laguna noong Sabado ng hapon.
Kinilala ni P/Senior Supt. Felipe Rojas, Laguna police director, ang mga biktimang sina Emiliano Layrit, driver, residente ng Barangay Tambo, Lipa City; at Reynaldo Muico, helper, ng Barangay Galamay Amo, San Jose, Batangas City at kapwa trabahador ng Malaluan Iron Metal Craft sa Lipa City, Batangas.
Base sa ulat, nagdidiskarga ang mga biktima ng road metal railing mula sa six-wheeler truck (UUC-665) sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Lewin, Lumban, Laguna nang maganap ang aksidente.
Sa salaysay ng mga saksi, ginagamitan ng lifter ang mga iron railings nang dumukit sa high tension wire ng First Laguna Electric Cooperative (FLECO) at mangisay ang dalawa matapos magtamo ng third degree burn dahil sa taas ng voltahe ng kuryente. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended