^

Probinsiya

NPA na misis dinukot

-
CAMP CRAME — Isang 31-anyos na misis na pinaniniwalaang isa sa aktibong rebeldeng New People’s Army ang iniulat na dinukot ng mga di-kilalang armadong kalalakihan sa Purok Masagana, Barangay Iba, Tarlac kahapon ng madaling-araw. Nakilala ang biktima na si Josephine Bumatay na dinukot sa kanilang bahay bago isinakay sa naghihintay na van bandang ala-una ng madaling-araw. Naniniwala ang mga residente na mga sundalo ng AFP ang dumukot sa biktima matapos na mabatid ang aktibidades nito. (Edwin Balasa)
Tinedyer napatay sa biruan
CAVITE — Maagang pinaglamayan ang isang 15-anyos na binatilyo ng kanyang mga kaanak makaraang mabaril sa mata ng sariling kabarkada habang nagbibiruan sa Barangay Mambog 1, Bacoor, Cavite kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Nichole Arnairo ng Barangay Medicion, Imus, Cavite, samantala, kalaboso at kinasuhan naman ang suspek na si James Carlo Cabigon, 19, ng nabanggit din barangay. Ayon kay PO2 Ernesto Caparas, naghuhuntahan ang magkakaibigan nang aksidenteng pumutok ang hawak na baril ng suspek at duguang bumulagta ang biktima dahil sa tama sa mata. (Cristina Timbang)
P.2M nalimas sa banko
CAMP CRAME — Tinatayang aabot sa P.2 milyon ang nalimas sa Rural Bank makaraang pasukin ng dalawang di-kilalang lalaki sa naganap naholdapan sa Bacong, Barangay Pakigne sa bayan ng Midlanilla, Cebu kamakalawa. Napag-alamang nagpanggap na kliyente ang isang lalaki at itinanong pa sa bank manager na si Romeo Bernil kung paano magdeposito ng pera. Nang malaman ang proseso ay umalis ang lalaki at ilang minuto ang nakalipas ay bumalik ito na lulan ng motorsiklo at may kasama na. Pumasok ang dalawa sa banko nang hindi na sinita ng gwardiyang si Jefferson Alivio sa pag-aakalang kliyente ito hanggang sa magdeklara ng holdap na isinagawa lamang ng limang minuto. (Edwin Balasa)
‘Ispiya’ ng pamahalaan nilikida
LEGAZPI CITY — Bayolenteng kamatayan ang sinapit ng isang 33-anyos na magsasaka na pinaniniwalaang ispiya ng pamahalaan makaraang pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan na umano’y rebeldeng New People’s Army sa Progreso Elementary School sa bayan ng San Fernando, Masbate kahapon ng umaga. Sapol sa ulo at katawan ang biktimang si Rogel "Kanyot" Cardino. Napag-alamang bago maganap ang pamamaslang ay kinaladkad ng mga rebelde ang biktima mula sa niyugan at pinatay sa harapan ng mga estudyante ng nasabing eskuwelahan. Palakad na lumayo ang mga salarin sa crime scene na animo’y walang naganap na karahasan. (Ed Casulla)

BARANGAY IBA

BARANGAY MAMBOG

BARANGAY MEDICION

EDWIN BALASA

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with