^

Probinsiya

Maliksi walang kalaban sa Cavite

-
CAVITE — Matapos ang masalimuot na karerang pampulitikal ni Cavite Governor Ireneo "Ayong" Maliksi, nakakasiguro ito sa pagiging gobernador na muli matapos na walang naglakas-loob na bumangga dito sa nalalapit na Halalan.

Si Governor Maliksi na kabilang sa Liberal Party ni Manila Mayor Lito Atienza ay nauna nang napaulat na mapapalaban sa administration bet Vice Govenor Juanito "Jonvic" Remulla, subalit umatras ang huli kamakalawa lamang dahil sa ilang kadahilanan.

Sa isang panayam kay Remulla, nagpahayag ng pag-atras sa pagka-gobernador nang magplano itong mag-aral sa Estados Unidos upang makapagturo pagbalik sa Cavite State University.

Ayon naman kay Alda Cabrera-Buslon, public information officer ng Cavite, hindi pa sila nakasisiguro kung hindi naman tatapatan ng ibang Remulla brothers si Gov. Maliksi, subalit nagpahayag na si Jonvic Remulla sa PSN na hindi tatakbo ang kanyang mga kapatid sa pagka-gobernador, bagkus ipagpapatuloy na lang ang pagtakbo bilang congressman sa kani-kanilang distrito. (Arnell Ozaeta)

ALDA CABRERA-BUSLON

ARNELL OZAETA

CAVITE GOVERNOR IRENEO

CAVITE STATE UNIVERSITY

ESTADOS UNIDOS

JONVIC REMULLA

LIBERAL PARTY

MALIKSI

REMULLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with