Nakaligtas sa ambush: OFW tinodas sa ospital
March 22, 2007 | 12:00am
TAAL, Batangas  Isang 31-anyos na overseas Filipino worker (OFW) na pinaniniwalaang nakaligtas sa pananambang ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang di-kilalang lalaki sa loob mismo ng Taal Polymedic Hospital na sakop ng Barangay Carsuche sa bayan ng Taal, Batangas kamakalawa ng hapon.
Kinalala ni P/Chief Inspector Virgilio Manimtim, hepe ng Taal PNP, ang biktimang si Anthony Perez ng Barangay Caloocan, Balayan, Batangas at OFW sa bansang Italy.
Sa pahayag ni Manimtim, dalawang di-kilalang lalaki na armado ng cal. 45 at cal. 380, ang pumasok sa room 306 kung saan nakahiga ang biktima saka isinagawa ang pamamaslang bandang alas-5 ng hapon.
Lumitaw sa record ng pulisya na isinugod si Perez sa nasabing ospital matapos ambusin ng mga armadong kalalakihan noong Sabado ng Marso17 ng umaga sa Barangay Kayponse, Balayan, Batangas.
Himala naman nakaligtas si Perez matapos magtamo lang ito ng tama ng bala sa kanyang siko, subalit natunugan ng mga killer na buhay at sinundan sa nasabing ospital.
May teorya ang mga pulis na ang bumaril kay Perez sa loob ng ospital ay siya ring grupo na umambus sa kanya sa bayan ng Balayan noong Sabado ng Marso17 ng umaga. Malaki ang paniniwalan ni Manimtim, na awayan sa karelasyong babae ang isa sa motibo ng pamamaslang sa biktima. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest