Mag-amang ‘kidnaper’ arestado
March 21, 2007 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna  Naaresto ng mga operatiba ng Regional Special Operations Group (RSOG) ang mag-ama na pinaniniwalaang miyembro ng kidnap-for-ransom gang sa isinagawang operasyon sa Barangay Old Bulihan, Silang, Cavite kamakalawa.
Kinilala ni P/Supt. Roger James Brillantes, hepe ng RSOG, ang mga suspek na sina Jose Serwelas Sr., 60; at anak nitong si Narciso Serwelas, 35, kapwa lider ng private armed group na may operasyon sa Cavite.
Pawang armado ng search warrant na inisyu ni Judge Rey Ros ng Manila Regional Trial Court, bandang alas-4 ng hapon nang salakayin ng mga tauhan ni Col. Brillantes ang bahay ng pamilya Serwelas at nakumpiska ang isang armalite rifle, caliber 45, dalawang caliber 38, caliber 380, homemade shotgun at iba’t ibang uri ng mga bala.
Base sa ulat ng pulisya, ang mga suspect ay may mga nakabinbing warrants of arrest para sa kasong kidnapping, illegal possession of firearms at apat na kasong murder sa mga bayan ng Bacoor, Imus at Cavite City.
Kabilang din sa warrant of arrest ang dalawa pang anak ni Jose Sr. na sina Jose Jr at Joel na nanatiling at-large hanggang sa kasalukuyan..
"Hindi hinuhuli ang mga ‘yan (Serwelas) dahil sa mga koneksyon nilang mga pulis," pahayag ni Brillantes sa PSN.
Mariin namang itinanggi ng mga Serwelas na kanila ang lahat ng baril na iprinisinta sa media bukod sa isang calibre 45 na lisensyado. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest