Mag-inang Tsinoy dinukot
March 21, 2007 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna  Dinukot ng mga miyembro ng kidnap-for-ransom gang ang mag-inang Tsinoy sa bahaging sakop ng Sta Cruz, Laguna noong Biyernes ng hapon.
Kinilala ni P/Chief Supt. Joriz Santoria, hepe ng Sta Cruz PNP, ang mga biktimang sina Josie Villegas-Wu at ang 12-anyos na anak na si Donabelle na kapwa residente ng Barangay Santisima ng naturang bayan.
Ayon sa ulat, magkasamang lumabas ang mag-ina sa St. Therese Montessori School sa Monserrat Subdivision, Barangay Santo Angel Sur nang bigla na lang silang kaladkarin ng dalawang babae at dalawang lalaki bago isinakay sa isang kulay puting van bandang alas-11:30 ng tanghali.
Sa salaysay ng pulisya, dinala sila ng mga suspek sa di-pa malamang lugar bago pinakawalan mga 100-metro ang layo sa kanilang bahay.
"Pinaikut-ikot ng mga kidnaper ang mag-ina pero hindi nila malaman kung anong lugar ‘yon hanggang pakawalan na lang ang dalawa bago magdilim noong Biyernes," pahayag ni SPO4 Danilo Tagle, operations chief ng Sta Cruz PNP.
Ayon kay Tagle, tumangging makipag-ugnayan ang pamilya ng biktima sa mga awtoridad kaya hindi nila malaman kung nagbayad ba ng malaking halaga bilang ransom ang pamilya sa mga kidnaper bago ito pinalaya.
Ani Tagle, ang tanging nakausap lamang nila ay ang kapatid ng biktima na nagsabing ginupit pa ng mga suspek ang buhok ng bata.
Sa pahayag naman ni P/Chief Inspector Romero Ballero, aabot sa P1 milyon ang hinihingi ng mga kidnaper kapalit ng mag-ina.
Ang pamilyang Wu ay may-ari ng pagawaan ng taho sa Sta Cruz, Laguna at nabibilang din sa mayayamang pamilya ng naturang lugar. (Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest