3 preso namatay sa gutom
March 6, 2007 | 12:00am
CAMP CRAME  Dahil sa kakulangan ng pondo na pinaniniwalaang hiniram ng isang opisyal ng lokal na pamahalaan para gamitin sa pangangampanya sa darating na eleksyon ay kinapos ang pamunuan na mapakain ang mga preso sa Samar Provincial jail sa Catbalogan City na nagresulta sa pagkamatay sa gutom ng tatlong bilanggo na ang isa ay nakilalang si Lauro Dumain.
Dahil dito ay pinayagan na ni Dominico Betanzor, acting provincial warden ng Samar Provincial Jail na mamalimos ang mga preso at manghingi ng donasyon sa mga taong dumaraan malapit sa kanilang kulungan dahil hindi na nila kayang pakainin sa kakulangan ng pondo.
Dagdag pa ni Betanzor na ayaw na niyang madagdagan pa ang tatlong preso na namatay sa gutom dahil hindi nabigyan ng pagkain nito lang nakalipas na buwan.
Sinisi ng nasabing provincial jail warden, ang nararanasang krisis sa pagkain dahil sa pulitika matapos na hiramin ng isang opisyal ng nasabing lalawigan ang pondo ng bilangguan noong Setyembre 2006 upang gamitin sa pangangampanya sa darating na eleksyon at nangakong ibabalik nitong Enero 2007.
Subalit ang pangako ng opisyal ng lokal na pamahalaan ay napako at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa naibabalik ang malaking halaga ng pondo kaya nagsagawa ng noise barrage ang mga preso matapos na hindi napakain sa regular na oras.
Samantala, ipinasa naman ang sisi ng opisyal ng lalawigan sa Sangguniang Panlalawigan matapos na maantala ang pagpapalabas ng pondo dahil sa kakulangan ng quorum para pagtibayin ang kaukulang pondo ng nasabing kulungan. (Edwin Balasa at may dagdag ulat ni Maricel Castillo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 9 hours ago
By Victor Martin | 9 hours ago
By Omar Padilla | 9 hours ago
Recommended