Sa ulat ni ESS-CPD Subic District Commander Capt. Ramon Policarpio, nakumpiska ang may 160-bales ng ukay-ukay na nakapaloob sa close van na may plakang TKN-499.
Samantala, ang kotseng Lincoln Navigator na nagkakahalaga ng P4-milyon ay nakatago sa hulihang bahagi ng van at may pekeng importation permit at ngayon ay nasa pag-iingat ng Customs Clearance Area.
Nabatid sa ulat na pag-aari ng Interlink Recycling Inc., rehistradong locator sa Boton Area, Subic Bay Freeport Zone ang na kumpiskang mga kontrabando na nasabat ng mga alertong ahente ng Customs police sa pangunguna ni Capt. Policarpio habang nasa Kalaklan Bridge dakong alas-2:30 ng madaling-araw.
Kabilang sa mga ini i mbestigahan ay ang drayber ng van na si Eduardo Luna at ang mga pahinanteng sina Edwin Luna at Leo degario Guarin, kapwa mga empleyado ng naturang kumpanya. Nagpalabas naman ng warrant of seizure and detention (WSD) si Customs Collector Atty. Marietta Zamoranos. (Jeff Tombado)