Parak kritikal sa SLEX robbery
February 16, 2007 | 12:00am
Kritikal ngayon ang isang pulis matapos na barilin ito ng isa sa limang mga holdaper ng isang pampasaherong bus na tangkang agarDwan ng una ng baril, ka;hapon ng umaga sa South Luzon Expressway sa Sta. Rosa, Laguna.
Ayon sa kundoktor na si Fernando Aklan, kalalagpas lamang ng nasabing bus na pag-aari ng Alps Bus Liner na may plakang DWP-777 dakong ala-5 ng umaga sa Sta Rosa Exit nang magdeklara ng holdap ang limang suspect na pawang armado ng kalibre .38 pistol at granada.
Pagtapat umano ng isa sa mga holdaper sa biktima na si PO2 Leonido Santiago Jr., nakatalaga sa Malvar Municipal Police Station (MPS) ng Batangas ay tinangka nitong agawin ang baril hanggang sa magpambuno ang mga ito at mabaril siya sa paa.
Ang mga suspek ay nagsibaba malapit sa kahabaan ng Sen. Gil Puyat Avenue, Makati City matapos na makulimbat ang mga pera, cellphone at iba pang mahahalagang ksagamitan ng mga pasahero.
Mabilis namang dinala sa Makati Medical Center ang biktima. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended