^

Probinsiya

Labor union official, ligtas sa ambush

-
CAVITE — Himalang nakaligtas ang isang opisyal ng labor union matapos na tambangan ito habang padalo sana sa kanyang kaso sa korte ang biktima matapos na hindi pumutok ang baril ng suspek, sa LTO compound na nakabase sa lalawigan kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay si Leovino Guyamin, 38, may-asawa, empleyado at opisyal ng Samahang Manggagawa, labor union ng Yazaki, ng #13 Batas sa Silang.

Mabilis namang tumakas ang dalawang ‘di kilalang suspek na armado ng cal. 45 pistol sakay ng motorsiklong "for registration" ang plaka patungong Maynila.

Ayon kay SPO2 Roland Ramos, dakong alas-2:00 ng hapon habang papalabas ng LTO compound sa tapat ng Café Esperanza ang kotse ng biktima kasama si Florionda de Lima nang sumulpot sa harapan nila ang mga suspek. Agad na tinutukan ng mga suspek ang biktima at sunud-sunod na kinalabit ang gatilyo ng baril subalit himalang hindi ito pumutok. Muli itong ikinasa ng suspek at biglang pumutok na tumama naman sa lupa, dito na tumakbo papasok ng opisina ni Atty. Evelyn Dominguez at ang biktima habang nataranta naman ang mga suspek at mabilis na tumakas.

Dumalo ng hearing ang biktima at mga kasamahan sa unyon hinggil sa kaso ng mga ito laban sa nagngangalang Randy Alcantara at Alberto Ronquillo na may kaugnayan sa unyong manggagawa subalit na-postpone ito nang ‘di dumating ang duty prosecutor.

Habang papauwi ang mga biktima ay dito na sila inabangan ng mga suspek at pagbabarilin subalit pumalpak ang mga hawak na armas. (Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

ALBERTO RONQUILLO

BIKTIMA

CRISTINA GO-TIMBANG

EVELYN DOMINGUEZ

LEOVINO GUYAMIN

RANDY ALCANTARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with