^

Probinsiya

2 lalaki utas sa pananambang!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
2 lalaki utas sa pananambang!
Tadtad ng bala ang Honda Civic na kotse ng mga napaslang na kinilalang sina LidasanTahir Nanalong, 42-anyos, at ang 43-anyos na si Thannie Undong Malang, parehong mga residente ng Cotabato City.
STAR/ File

COTABATO CITY, Philippines — Patay sa mga tama ng bala ang dalawang lalaking sakay ng isang itim na kotse makaraang tambangan sa isang bahagi ng Cotabato-Isulan Highway sa Barangay Bitu sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong Linggo Ng umaga.

Tadtad ng bala ang Honda Civic na kotse ng mga napaslang na kinilalang sina LidasanTahir Nanalong, 42-anyos, at ang 43-anyos na si Thannie Undong Malang, parehong mga residente ng Cotabato City.

Sa inisyal na ulat ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, agad na namatay sa mga tama ng bala sina Nanalong at Malang na patungo sana ng Esperanza sa Sultan Kudarat nang pagbabarilin ng mga armadong nakaabang sa kanila sa gilid ng kalsada ng Barangay Bitu.

Mabilis na nakatakas ang mga salarin matapos ang pamamaril, ayon sa mga barangay officials at mga kasapi ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station na nagresponde sa insidente.

SINSUAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with