^

Probinsiya

Tindahan pinasok ng 3: Trader niratrat, patay!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines —  Patay ang isang negosyante nang pasukin sa kanyang tindahan at pagbabarilin ng ‘di bababa sa tatlong  lalaki na armado ng maiiksing baril kamakalawa sa Bacoor City.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktima na kinilala lang sa alyas “Kurt”, nasa hustong gulang, residente ng Bacoor City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nasa loob ng tindahan nito ang biktima nang dumating ang mga armadong kalalakihan at tuluy-tuloy na pumasok sa loob.

Nagkaroon pa diumano ng komosyon sa pagitan ng mga suspek at biktima hanggang sa barilin ng isa sa mga suspek ang huli bago mabilis na nagsitakas.

Nagtamo ang mister ng tama ng bala sa likurang bahagi ng kanyang katawan. Agad naman siyang naitakbo ng awtoridad sa Asia Medical Center subalit hindi na naisalba pa ng mga doktor.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen.

KURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with