NPA plantation ni-raid ng militar, pulisya: P75-M marijuana nasamsam
February 5, 2007 | 12:00am
SUGPON, Ilocos Sur Isang malaking dagok na naman sa mga rebelde matapos masalakay ng mga sundalo at pulis ang isa na namang marijuana plantation ng mga rebeldeng CPP/NPA noong isang araw na nagresulta sa pagkakabunot ng 375,000 puno ng malalaking marijuana na nagkakahalaga ng Php75M sa boundary ng Sugpon at Bacun, Benguet.
Ayon sa ulat ni Chief Supt. Leopoldo N. Bataoil, PNP region 1 director, napakalawak ang plantasyon ng marijuana kung kayat inabot na ng dalawang araw ang operayon ngunit hindi pa aniya nila nabubunot lahat ang mga pananim na marijuana doon.
Sinabi ni Gen. Bataoil na kasalukuyan pa ring binubunot ng mga operatiba ng pamahalaan ang naturang plantasyon ng marijuana.
Nabatid naman kay Army Col. Loreto Rirao, Brigade commander ng 503rd Infantry Battalion, Sabado pa ng umaga nang magsagawa ang kanyang mga tauhan sa pamumuno ni Capt. Edmund delos Santos ng 50th Infantry Battalion, 53rd Military Intelligence Company (MICO) at ng Ilocos Sur Police Provincial Office ng operasyon laban sa mga rebelde sa naturang kabundukan nang makita nila ang isang napakalaking plantasyon ng marijuana doon.
Matapos madiskubre ang plantasyon, agad na tumawag ng reinforcement si Capt. Delos Santos kay Col. Rirao upang madaling mabunot at masunog ang naturang plantasyon na umaabot sa 25 ektaryang lupa sa kabundukan.
Ayon pa kay General Bataoil, tumawag na rin siya ng karagdagang helicopter gunship na magdadala pa ng karagdagang tropa ng sundalo at pulis doon para mapadali aniya ang pagbubunot at pagsunog sa mga marijuana na itinanim ng mga rebelde.
Aniya, ang pagtatanim ngayon ng marijuana ang malaking pinagkakakitaan ng mga NPA kung kayat hindi matapus-tapos at maubus-ubos ang mga tanim na marijuana doon.
Samantala, pinapurihan nina Gen. Bataoil at Lt. Gen. Bonifacio Ramos, commanding officer ng Northern Luzon Command, ang mga pulis at sundalo na sumama sa operasyon sa kabundukan ng Sugpon at Bacun. (Myds Supnad At Joy Cantos )

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest