^

Probinsiya

3 pulis, pinasisibak sa pagkawala ng 2 lalaki na hinuli sa checkpoint

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Nahaharap sa dismissal o tuluyang pagkatanggal sa serbisyo ang tatlong pulis-Cavite dahil sa umano’y pagkawala ng riding-in-tandem na kanilang sinita at hinuli sa isang checkpoint, nitong nakaraang taon.

Inirekomenda ni Inspector General Brigido Dulay ng Phi­lippine National Police Internal Affairs Service (PNP-AIS) na tanggalin sa serbisyo ang tatlong nasabing pulis na pansamantalang hindi muna pinangalanan na may mga ranggong Lieutenant Colonel, Chief Master Sergeant at Patrolman na pawang nakatalaga sa Imus City Police Station.

Ito ay makaraang mawala ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo na kanilang sinita at inaresto sa isang checkpoint noong Hulyo 13, 2023 dahil umano sa may dalang droga.

Ikinulong umano ng mga pulis ang da­lawa at makalipas ang may isang oras ay kanilang ineskortan palabas ng kulungan at simula noon ay hindi na natagpuan pa ang dalawa. Napag-alaman pa kay Dulay na wala sa oras ang pagtupad sa tungkulin ng tatlong pulis kaya hindi otorisado na magsagawa ng checkpoint ng araw na iyon.

Hindi rin isinulat o inirekord sa kanilang istasyon ang ginawang operasyon.

CHECKPOINT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with