^

Probinsiya

2 alkalde sa bayan ng Jaen

-
NUEVA ECIJA – Lumalabas na dalawa ang alkalde ngayon sa bayang ng Jaen makaraang tumangging bumababa sa puwesto si acting Mayor Santiago "Santi" Austria na pinanumpa ng Department of Interior and Local Government (DILG) kapalit ni suspended Mayor Antonio Esquivel.

Napag-alamang hinihintay pa ni Austria ang opisyal na pahayag mula sa kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) bago pabalikin sa munisipyo ang suspendidong si Mayor Antonio Prospero Esquivel.

Nabatid na kamakalawa ay nagpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Court of Appeals (CA) na pumipigil sa suspension order ng Office of the Ombudsman na ipinatupad ng DILG laban kay Mayor Esquivel.

Tatagal ng 30-araw ang nakuhang TRO ni suspended Mayor Esquivel na nilagdaan ni Associate Justice Lucenito Tagle ng 2nd Division ng Court of Appeals.

Sinuportahan naman ng 27 barangay chairmen ang pagbabalik ni Mayor Esquivel sa kanyang puwesto. Samantala, sinabi naman ni Nueva Ecija Governor Tomas N. Joson III na dapat ipatupad ang kautusan ng Court of Appeals upang maiwasan ang pagkalito at kaguluhan sa bayan ng Jaen. (Christian Ryan Sta. Ana)

ASSOCIATE JUSTICE LUCENITO TAGLE

CHRISTIAN RYAN STA

COURT OF APPEALS

JAEN

MAYOR ANTONIO ESQUIVEL

MAYOR ANTONIO PROSPERO ESQUIVEL

MAYOR ESQUIVEL

MAYOR SANTIAGO

NUEVA ECIJA GOVERNOR TOMAS N

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with