^

Probinsiya

Massacre: 3 patay, 2 pa kritikal

-
CAMP CRAME – Tatlo katao ang kumpirmadong nasawi habang dalawa pa ang nasa kritikal na kondisyon makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga salarin na puwersahang pumasok sa tahanan ng mga biktima sa bayan ng Sto. Domingo, Ilocos Sur kamakalawa.

Kinilala ang mga napaslang na sina Felix Valencia, 22; Delfin Robeniol, 38 at Remegio Valencia Jr., 13; pawang residente ng nasabing lugar.

Patuloy namang isinasalba sa Metro Vigan Cooperative Hospital sina Chriswel Renon, 28 at isa pang ‘di natukoy ang pangalan.

Sa report ni Sr. Inspector Venancio Tabula, hepe ng Sto. Domingo Municipal Police Station (MPS), dakong alas-7:20 ng gabi habang masayang nag-iinuman ang mga biktima sa tahanan ni Renon sa Brgy. Calautit nang puwersahang pumasok ang mga suspek na pawang armado ng caliber .30 carbine rifle.

Matapos ratratin ang mga biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng cal. 30 carbine rifle.

Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ang motibo ng krimen.

Iniutos na rin ni Police Regional Office 1 Director Chief Supt. Leopoldo Bataoil sa provincial director sa lalawigan na tugisin ang mga suspek kasabay ng pag-alam sa kanilang pagkakakilanlan. (Joy Cantos)

CHRISWEL RENON

DELFIN ROBENIOL

DIRECTOR CHIEF SUPT

DOMINGO MUNICIPAL POLICE STATION

FELIX VALENCIA

ILOCOS SUR

JOY CANTOS

LEOPOLDO BATAOIL

METRO VIGAN COOPERATIVE HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with