^

Probinsiya

Prof na opisyal ng Bayan Muna, inutas

-
CAMP CRAME –Isang university professor na opisyal ng militanteng grupong Bayan Muna ang pinagbabaril hanggang sa mapatay sa harapan ng kanyang mga estudyante sa loob ng campus ng University of Eastern Philippines sa Catarman, Samar kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Tonyo Cruz, liaison officer ng Bayan Muna, dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Batay sa report ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-4:15 ng hapon sa harapan ng Engineering Building ng nasabing unibersidad.

Bigla na lamang umanong sumulpot sa lugar ang dalawang naka-motorsiklong kalalakihan at agad na pinagbabaril ang biktima na napuruhan sa leeg at ulo.

Matapos ang krimen ay parang walang anumang lumisan sa lugar ang mga salarin.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima ay kaibigan ni Bayan Muna Rep. Satur Ocampo na bago naging aktibo sa nasabing organisasyon ay nagsilbi ring secretary geneneral ng Karapatan-Eastern Samar.

Naitala na ika-123 sa mga opisyal at miyembro ng Bayan Muna ang biktima na pinaslang simula noong 2001 nang manungkulan sa puwesto si Pangulong Arroyo. (Joy Cantos)

BATAY

BAYAN MUNA

BAYAN MUNA REP

ENGINEERING BUILDING

JOY CANTOS

KARAPATAN-EASTERN SAMAR

PANGULONG ARROYO

SATUR OCAMPO

TONYO CRUZ

UNIVERSITY OF EASTERN PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with