^

Probinsiya

Sulyap Balita

-
Magka-live-in pinaslang
CABANATUAN CITY – Pinaniniwalaang may kinalaman sa isinanglang sidecar ng traysikel ang pagpaslang sa magka-live-in-partner na natagpuan ang mga bangkay sa loob ng kanilang bahay sa Sacred Homes Subd., Barangay Kalikid Norte, Cabanatuan City noong Biyernes ng umaga. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Rhellie Fajardo at Teodora Mendoza. Ayon kay P/Chief Inspector Crisencio de Asis, hepe ng Nueva Ecija Crime Laboratory, natagpuan ni Florence Mendillo na nagtungo sa bahay ng magka-live-in para kunin ang bigas na kanyang pinabili. Sa pagsusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives, binaril sa likurang bahagi ng kaliwang tenga ang lalaki habang ang babae naman ay ginilitan. Sinisiyasat ng pulisya kung may kaugnayan sa krimen ang isinanglang sidecar ng traysikel na pag-aari ng isang alyas "Carding". (Christian Ryan Sta. Ana)
Agent ng militar itinumba
ZAMBOANGA CITY — Isang intelligence agent ng 18th Infantry Battalion ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang assassin ng mga bandidong Abu Sayyaf Group sa Sitio Bubawang, Barangay Limouk, Lamitan, Balisan noong Biyernes ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Antonio Corpuz na nagsasagawa ng mission nang lapitan ng dalawang kalalakihang sakay ng motorsiklo at isinagawa ang pamamaslang. Napag-alamang tinangay ng mga bandido ang baril ng biktima bago tumakas sa hindi nabatid na direksyon. Ayon kay Eugene Batara, Spokesman ng Western Mindanao Command, ang biktima ay natunugang agent ng militar na nagsasagawa ng paniniktik sa ikinikilos ng mga bandido sa nabanggit na bayan. (Roel Pareño)
Espiya ng pamahalaan nilikida
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 42-anyos na magsasaka na pinaniniwalaang espiya ng pamahalaan sa isa na namang paghahasik ng karahasan ng mga rebeldeng New People’s Army sa Sitio Manapaonapao, Guinobatan, Albay kamakalawa. Ang biktimang papalabas na sana ng kanyang bahay nang ratratin ng mga rebelde ay nakilalang si Norberto Laosabia. Napag-alamang bago paslangin ang biktima ay pinagbantaan na ito ng mga rebelde dahil sa nagpagamit sa military at pulisya. Itinanggi naman ng pamilya ng biktima ang pagiging espiya nito. Nakarekober ng mga basyo ng bala ng M-16 Armalite rifle ang pulisya sa crime scene. (Ed Casulla)
7 Sudanese, 2 Pinay tiklo sa droga
SAN FABIAN, Pangasinan — Pitong Sudanese at dalawang Pinay ang iniulat na dinakip ng mga alagad ng batas matapos na maaktuhang humihithit ng pinatuyong dahon ng marijuana sa baybaying dagat ng Barangay Nibaliw Vidal sa bayan ng San Fabian kamakalawa ng gabi. Kabilang sa kinasuhan ng pulisya ay nakilalang sina Omer Muhamad, 24; Ali Hamed, 24; Ali Elkhatim, 27; Mussah Mohammed, 25; Mussah Ahmad, 27; Abdul Salam, 26; Nur Ramzi, 26 at ang dalawang Pinay na sina Michelle Embuido, 20 at Joy Embuido, 37, kapwa residente ng Arellano-Bani, Dagupan City. Ayon sa pulisya, ang mga Sudanese ay pawang estudyante sa unibersidad sa Dagupan City at nakumpiskahan ng apat na rolyo ng pinatuyong dahon ng marijuana, 26 piraso ng rolling paper at 3.8 gramo ng marijuana. Ang pagkakadakip sa mga suspek ay bunsod ng impormasyong ipinaabot ng ilang residente sa isinasagawang pot session ng mga suspek. (Eva Visperas)

ABDUL SALAM

ABU SAYYAF GROUP

ALI ELKHATIM

AYON

CENTER

DAGUPAN CITY

PINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with