Dump truck sumalpok: 3 todas, 2 grabe
January 14, 2007 | 12:00am
Taytay, Rizal Tatlo katao ang kumpirmadong nasawi habang malubha namang nasugatan ang dalawa pa kabilang ang driver ng isang dump truck na puno ng kargang lupa na nawalan ng preno at binundol ang mga taong naglalakad kamakalawa ng gabi sa Brgy. Dolores ng bayang ito.
Dead-on-arrival sa Manila East Medical Center sanhi ng tinamong grabeng pinsala sa katawan ang mga biktimang sina Fernando Cruz Jr., 29-anyos at isang hindi pa kilalang babae, ang mga ito ay nahagip ng rumaragasang truck habang naglalakad sa kalsada, nasawi din ang pahinante ng nasabing truck na nakilalang si Allan Padilla 28, ito ay natabunan ng lupa na karga ng dump truck.
Kinilala naman ang malubhang nasugatan ang driver na si Rolando Vergara, 32 at isa pang pahinante na si Ryder Carubio 22, pawang residente ng Brgy. Malanday, San Mateo, Rizal.
Ayon kay PO1 Abigail Del Monte, desk officer ng Taytay police, naganap ang insidente dakong alas- 6:30 ng gabi habang binabagtas ng dump truck na may plakang WPL-105 na minamaneho ni Vergara ang kahabaan ng Cabrera Road, Kaytikling Junction Brgy. Dolores ng bayang ito.
Nabatid na biglang nawalan ng preno ang nasabing truck na nagbunsod sa sakuna. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest