3 katao nilamon ng putik
January 10, 2007 | 12:00am
TACLOBAN CITY Tatlong sibilyan ang kumpirmadong nasawi habang tatlong iba pa ang malubhang nasugatan makaraang matabunan ng putik ang kanilang bahay sa naganap na mudslide sa Barangay Tampoong, Sogod, Southern Leyte, kahapon.
Ayon sa ulat ng Office of the Civil Defense na pinamumunuan ni Rey Gozon, ang mga biktimang natutulog nang rumagasa ang putik na tumabon sa kanilang bahay dahil sa patuloy na ulan ay nakilalang sina Mercedes Cadavos, 68; Emilio Cadavos, 52; at Lilia Cadavos, 54.
Nasagip naman ang mga biktimang malubhang nasugatan sa isinagawang search and rescue operations ng OCD at Sagod PNP ay sina Julian Cawaling at Jovans Reyes, 15 na ngayon ay ginagamot sa Sogod District Hospital.
Kasunod nito, nalunod naman ang 8-buwang gulang na sanggol na babae sa Barangay Apitong, Tacloban City na isa sa naapektuhan ng landslide.
Samantalang sumailalim naman sa state of calamity ang Catarman, Mondragon, Pambujan, San Roque, Catubig at Silvino Lobos sa Northern Samar na apektado ng tubig-baha at landslide habang iniulat naman ng provincial government na aabot sa P208, 655, 440 agrikultura at infrastructure ang nawasak kabilang na ang mga pananim, palaisdaan at mga alagang hayop na umaabot sa P15,095,000 ang nasalanta. (Miriam Desacada At Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended