^

Probinsiya

Napabayaan Ng Yaya: Totoy nalunod sa ilog

-
LUCENA CITY — Maagang kinarit ni kamatayan ang isang 2-anyos na totoy matapos na malunod sa ilog dahil sa kapabayaan ng kanyang yaya sa Purok Tulungan, Barangay Ibabang Iyam sa Lucena City kamakalawa ng umaga.

Naisugod pa sa Mount Carmel General Hospital, subalit hindi na umabot ng buhay ang biktimang si Cesar Benedict Ramos ng Tagarao Street. Barangay Ilayang Iyam.

Nakapiit naman sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Aileen Malupa, 20, tubong San Francisco, Quezon.

Ayon kay PO3 Edna Santiago ng Women’s Desk Section, dakong alas-11:30 ng umaga, ipinagsama ni Malupa ang kanyang inaalagaang bata sa bahay ng kanyang nobyo.

Naging abala sa pakikipagkuwentuhan ang yaya sa nobyo nito at nakaligtaan ang alagang biktima na sumama sa isa pang bata at naglaro sa gilid ng ilog.

Maya-maya ay bigla na lamang nagkagulo ang mga tao nang makitang nakalutang sa ilog ang bata.

Gayun na lamang ang paghingi ng tawad ng yaya sa kanyang among Cesar Ramos, 31; at Twingky, 31dahil sa pangyayari, subalit kinasuhan na rin dahil sa paglabag sa Article 363 ng Children Welfares Act. (Tony Sandoval)

vuukle comment

AILEEN MALUPA

BARANGAY IBABANG IYAM

BARANGAY ILAYANG IYAM

CESAR BENEDICT RAMOS

CESAR RAMOS

CHILDREN WELFARES ACT

DESK SECTION

EDNA SANTIAGO

LUCENA CITY

MOUNT CARMEL GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with