Shootout: 2 holdaper tumba
December 30, 2006 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang mga miyembro ng robbery/hold-up gang ang napaslang sa isinagawang operasyon ng mga alagad ng batas sa sa Biñan, Laguna noong Huwebes ng gabi.
Kinilala ni P/Supt. James Brillantes, hepe ng Regional Special Operations Group (RSOG) ng Region 4-A, ang mga napatay na sina Jerome Sario at Ryan Capadocia na kapwa residente ng Barangay Dela Paz, Biñan, Laguna at miyembro ng "Soro-Soro" robbery hold-up gang na responsable sa serye ng panghoholdap sa mga gasolinahan sa Laguna at karatig na probinsiya.
Sa salaysay ng teller ng gasolinahan na si Frankie Aquino, sinabi nito na nagpa-gasolina ang mga suspect sa Petron sa Barangay Canlalay sakay ng traysikel nang iniabot ang isang papel na may mensahe na nagdedeklara ng holdup.
Gayon pa man, habang patakas ang mga suspek ay natiyempuhan ang mga tauhan ng RSOG team hanggang sa magkaputukan dahil tumangging sumuko ang mga holdaper.
Tumagal lamang ng ilang minuto ang putukan bago tuluyang bumulagta ang mga suspek.
Nabatid na si Sario ay inaresto na ng pulisya sa Biñan kamakailan dahil sa kasong panghoholdap laban sa isang empleyado ng airport pero nakalaya matapos na magpiyansa. (Arnell Ozaeta/Joy Cantos/Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended