3 pulis-holdaper dedo sa barilan
December 30, 2006 | 12:00am
BATANGAS Tatlong tiwaling pulis na pinaniniwalaang sangkot sa pangongotong sa isang negosyante ang iniulat na napatay sa isinagawang entrapment operation sa Barangay Bantik, Cabuyao, Laguna kahapon.
Kabilang sa napaslang na pulis ay nakilalang sina PO2 Michael Aguado ng Cavinti PNP station; PO1 Sigmund Allan Joel ng Quezon PNP; at si PO1 Roland Patag ng Camp Vicente Lim sa Laguna.
Ayon kay P/Supt. James Brillantes, hepe ng Regional Special Operations Group (RSOG) ng Region 4-A, ang tatlo ay naaktuhang nangingikil ng P150,000 sa isang negosyanteng hindi binanggit ang pangalan sa parking lot ng isang kilalang fastfood chain sa Poblacion ng nabanggit na barangay.
Napag-alamang natunugan ng tatlong pulis na may nakaambang entrapment na isasagawa kaya pumalag at nakipagbarilan sa mga tauhan ng RSOG.
Base sa inisyal na ulat, sina Aguado at Joel ay kaagad na bumulagta matapos ang bakbakan, habang si Patag naman ay naisugod pa sa Canlubang General Hospital, subalit binawian ng buhay habang ginagamot.
Walang ibinigay na detalye ang mga opisyal ng RSOG tungkol sa modus operandi ng tatlong pulis na napatay dahil sa pangongotong.
Inaalam naman ng RSOG kung may kasabwat pa ang tatlong pulis. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended