^

Probinsiya

Coed hinoldap na ginahasa pa

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang 17-anyos na estudyante ang umano’y hinoldap at ginahasa ng isang driver habang ito ay magsisimbang gabi kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Cabariwan Ocampo, Camarines Sur.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Jean, ng Brgy. Himaao, Pili Camarines Sur samantala ang kasamahan ng dalagita na iniwanan ng suspek sa daan ay kinilalang si Elizabeth Obias, 67, may-asawa at residente ng Brgy. Himaao ng Pili, Camarines Sur.

Samantala ang suspek ay kinilalang si Mario Baldoza, 24, may-asawa at residente ng Brgy. Cabariwan, Ocampo, Camarines Sur., kabarangay nito ay nakaangkas sa minamanehong motorsiklo ng suspek na ang biyahe ay tinatawag na door-to-door.

Ang biktima at Obias ay galing sa kani-kanilang bahay at magsisimbang gabi sa kanilang bayan at sumakay sa suspek.

Nang makarating ang sinasakyan ng suspek at mga biktima sa Brgy. San Agustin nang bigla na lamang na hininto ng suspek ang motorsiklo at tutukan ang dalawang biktima at kinuha ang aabot sa P1,340 cash ng dalawang biktima.

Hindi pa nakuntento ang suspek nang talian nito ang dalagita at dalhin sa Brgy. Cabariwan at doon ginahasa ng suspek ang biktima, samantala ang ginang na kasama ng biktima ay ibinaba at iniwan ng suspek sa naturang lugar.

Kaagad namang humingi ng tulong ang ginang sa mga miyembro ng Pili MPS at kaagad na nagsagawa ng follow up na operasyon hanggang sa malaman ng mga ito kung saan dinala ng suspek ang biktima.

Mabilis naman na nakipagkoordinasyon ang mga miyembro ng Pili MPS sa Ocampo MPS at nagsagawa ng operasyon sa lugar hanggang sa matagpuan ang dalagitang biktima sa isang abandonadong bahay.

Ang suspek ay kaagad namang tumakas at patuloy na itong tinutugis ng mga awtoridad. (Ed Casulla)

BIKTIMA

BRGY

CABARIWAN

CABARIWAN OCAMPO

CAMARINES SUR

ED CASULLA

ELIZABETH OBIAS

HIMAAO

LEGAZPI CITY

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with