^

Probinsiya

Bus vs kotse: 2 patay, 2 grabe

-
BATANGAS — Dalawang sibilyan ang iniulat na namatay habang dalawa naman ang malubhang nasugatan makaraang salpukin ng pampasaherong bus ang kotse ng mga biktima sa kahabaan ng JP Laurel Highway sa Barangay Balintawak, Lipa City, Batangas kamakalawa ng umaga. Kinilala ni P/Senior Supt. David Quimio, hepe ng Lipa PNP, ang mga namatay na biktimang sina Dianne Cabungcal, 13; at ang yaya nitong si Irene Nietes na kapwa naninirahan sa Block 12 Lot 4D Romanville Subdivision, Barangay San Carlos ng nabanggit na lungsod. Nasa kritikal naman kondisyon ang mga magulang ni Dianne na sina Diego at Urfia Fe Cabungcal na nasa Lipa Medix Hospital. Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng Dela Rosa Bus Lines (DWK-949) na si Rafael Ricablanca matapos masalpok ang Nissan Sentra (DKL-148) ng mga biktima at isa pang Nissan Urban (ZEB-237) na minamaneho naman ni Jose Balbuena II ng Barangay Tangob, Padre Garcia. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY BALINTAWAK

BARANGAY SAN CARLOS

BARANGAY TANGOB

DAVID QUIMIO

DELA ROSA BUS LINES

DIANNE CABUNGCAL

IRENE NIETES

JOSE BALBUENA

LAUREL HIGHWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with