^

Probinsiya

Sulyap Balita

-
15 trader kinasuhan ng DTI
LEGAZPI CITY – Dahil sa umano’y pananamantala na itaas ang presyo ng kanilang paninda at produkto matapos na hagupitin ng mga bagyong Reming at Seniang ang Bicol Region, 15 negosyante at establisimyento ang sinampahan ng kaso ng Department of Trade and Industry sa paglabag sa R.A. 7581 o Price Act and The Price Tag Law. Ayon kay Regional director Jocelyn Blanco, pinasasagot sa DTI ang mga kinasuhang kumpanya na Work Best Enterprise and Gen. Merchandise, D’CEM Hardware and Gen. Merchandise, NN Hardware and Electrical Supplies, Dan-B Gen. Merchandise, Uya Enterprises, Halixel, Santiago Commerical, Sethanex Merchandising, Willyson’s Construction, An Sian Trading, JY Marketing, Jinkies Merchandising, E.B. Belleza Hardware, Handyman Expressmart at Odessa Mart. (Ed Casulla)
Mister hirap sa buhay, nag-suicide
CAVITE – Nang dahil sa kahirapan ng buhay, isang mister na naman ang nagpasyang tapusin na lamang ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti upang hindi na nito maranasan ang magpaskong walang handa, kahapon ng madaling-araw sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. San Rafael 3 Noveleta, Cavite. Ang biktima ay si Valentino Vargas, 24, may-asawa, isang fish pond caretaker at residente ng nasabing lugar. Batay sa imbestigasyon ni PO1 Ian Pomaran, may hawak ng kaso, alas-12:30 ng madaling-araw nang matagpuan ang nakabiting katawan ng biktima sa loob ng kanyang bahay gamit ang nylon cord na itinali sa kanyang leeg bago itinali sa kisame ng kanyang bahay. Hinihinalang bunga na rin sa dami ng problema sa buhay at sobrang kahirapan ang nagtulak sa biktima na wakasan ang kanyang buhay. (Cristina Go Timbang)
Mag-utol niratrat: 1 dedo
CAVITE – Pinagbabaril ang isang magkapatid na ikinasawi ng isa at malubhang pagkasugat ng isa pa nang pagbabarilin habang naglalakad pauwi sa Brgy Cabuco, Trece Martirez City kamakalawa ng gabi. Ang namatay ay si Rodelio De Luna, 48, walang trabaho, habang sugatan naman ang kapatid nito na si Efren de Luna, 38, kapwa residente ng Sitio Happy House, Brgy. Cabuco ng nasabing lunsod. Ang suspek na may alyas Boyet ay tumakas matapos ang krimen. Ayon kay PO2 Manny Candare, dakong alas-7 ng gabi habang naglalakad ang magkapatid pauwi nang bigla na lamang humarang ang suspek at walang sabi sabi silang pinagbabaril. Napuruhan ang isa sa mga ito habang kahit na sugatan ay nagawa pa ding makatakbo ng isa sa mga biktima upang humingi ng tulong. Kapwa dinala sa Emilio Aguinaldo Hospital ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival ang isa dito. Personal na galit umano ang nakikitang motibo ng pulisya sa naganap na pamamaril. (Cristina Go Timbang)

AN SIAN TRADING

AYON

BELLEZA HARDWARE

BICOL REGION

BRGY

BRGY CABUCO

CRISTINA GO TIMBANG

DAN-B GEN

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with