Trader itinumba ng 2 naka-motorsiklo

CABANATUAN CITY – Pinaputukan at napatay ng dalawang ‘di kilalang lalaki na nakasakay sa motorsiklo ang isang negosyante sa Purok Romantico, Brgy. Sta. Arcadia, rito, kamakalawa ng umaga. Sa report ni Supt. Eli Cruz, hepe ng pulisya, kay Cabanatuan City Mayor Jay Vergara, nakilala ang biktima na si Ponciano Grande, 53, ng Purok 2, St. Nicolas Subdivision, Brgy. Bantug Norte rito. Sa imbestigasyon, dakong alas-11 ng umaga habang magkasama ang biktima at live-in partner nito na si Anabel Liwag, reporter ng local radio station DWJJ, at pinasyalan ang kanilang bukid sa naturang lugar nang maganap ang naturang insidente. Iniwan sandali ni Liwag ang asawa para sumilong sa isang kubo nang masalubong nito ang dalawang lalaki, na sakay ng Bajaj motorcycle at papunta sa direksyon ng biktima. Ilang Segundo lang ay narinig ni Liwag ang putok ng baril na tumama sa biktima. Agad tumakas ang mga suspek sa direksyon patungo sa barangay proper ng Sta Arcadia. Nagtamo ang biktima ng hindi mabilang na tama ng bala sa likod, sa leeg at kanang balikat na ikinamatay nito agad. Narekober sa crime scene ang isang basyo ng cal. 45. (Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments