^

Probinsiya

3 patay, 2 pa kritikal sa kotse

-
TANAUAN CITY, Batangas –Nasawi kaagad ang tatlong senior citizens samantalang nasa kritikal na kondisyon naman ang dalawa pa matapos araruhin ng kotseng nawalan ng kontrol habang minamaneho ng umano’y lasing na driver sa lungsod na ito Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Supt. Francisco Rodriguez, Tanauan City po-lice chief ang mga nasawing biktima na sina Maria Nido, 75 anyos, Hiloriana Fabro, 68 at Rodolfo Fabro, 70, pawang mga residente ng Barangay Bilog-Bilog sa lungsod na ito.

Nasa kritikal naman na kondisyon ang kaanak ng mga namatay na si Linda Nido, 45, at ang driver ng kotse na si Roderick Legasca na pawang ginagamot sa CP Reyes Hospital.

Sa inisyal na report ni Police Officer 1 Charlie Bernejo, bandang alas-9:00 ng gabi, binabagtas ni Legasca ang Barangay Bilog-Bilog lulan ng kanyang Honda Civic ( WME-531) nang mawalan ito ng kontrol at salpukin ang mga biktima na naglalakad sa gilid ng kalsada.

Nagtamo ng sugat ang anak ni Legasca na si John Eric na kasama niya sa sasakyan nang maganap ang aksidente pero idineklara nang ligtas ito.

Ani Bernejo, dead-on-the-spot ang dalawang matandang babae samantalang namatay naman ilang oras lang ang nakalipas si Fabro sanhi ng mga tinamong pinsala sa kanyang ulo at katawan. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ANI BERNEJO

ARNELL OZAETA

BARANGAY BILOG-BILOG

CHARLIE BERNEJO

FRANCISCO RODRIGUEZ

HILORIANA FABRO

HONDA CIVIC

JOHN ERIC

LEGASCA

LINDA NIDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with