MPD, Star Group magpapamudmod ng relief goods sa Reming victims
December 8, 2006 | 12:00am
Nagkapit kamay kahapon ang Manila Police District (MPD) at Philippine Star Group of Publications sa pagbibigay ng tulong sa libu-libong mga nasalanta ng super bagyong Reming sa Bicol Region sa pamamahagi ng relief goods at mga damit.
Umaabot sa mahigit 3,000 de-latang sardines, noodles at mga damit na donasyon ng mga pulis-Maynila ang ipamamahagi kung saan ang Star Group Operation Damayan ang magdadala nito sa Guinobatan, Albay,
Sinabi ni MPD officer-in-charge Sr. Supt. Danilo Abarzosa na isang maliit na tulong lamang ito na kanilang naipon mula sa mga pulis-Maynila para sa mga nasalanta ng bagyo.
Inaasahan naman ni Abarzosa na posibleng sumunod sa kanilang aksyon ang ibat ibang distrito at unit ng Philippine National Police.
Sinabi naman ni Julie Barnachea, volunteer ng Star Operation Damayan na malaki na ang maitutulong ng donasyon ng MPD sa mga biktima ng nasabing kalamidad sa Albay.
Nakatakdang tumulak ang grupo ng Star Group Operation Damayan sa Albay ngayong araw. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest