8 Budol-Budol Gang arestado
November 25, 2006 | 12:00am
BULACAN Walong sibilyan na pinaniniwalaang miyembro ng "Budol-Budol Gang" na tumangay ng P7.1-milyon sa mga biktima sa loob lamang ng anim na buwan ang dinakip ng pulisya sa magkahiwalay na operasyon sa mga bayan ng Baliuag at Meycauayan, Bulacan, kamakalawa. Ang mga suspek na pormal na kinasuhan ay nakilalang sina Arnel Gingco, 41; Vicente Encabo, 74; Mylene Mendoza, 31; Cesar Guillen, May Garcia, 36, na pawang dinakip sa bayan ng Baliuag, samantala, ang mga suspek na dinakip naman sa bayan ng Meycauayan ay sina Danilo Guillermo, James Bercelona at Jade Santos. Ayon kina PO1 Eleazar Fajardo at PO1 Bernard Acuna, ang mga suspek ay inireklamo ni Adoracion Cruz ng Barangay Bahay Pare, Candaba, Pampanga ay isa lamang sa dalawampung biktima. (Dino Balabo)
CAMARINES NORTE Kalaboso ang binagsakan ng anim-katao makaraang makumpiskahan ng apatnapung piraso ng dinamita sa isinagawang magkahiwalay na operasyon ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group sa dalawang barangay sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte kamakalawa. Kabilang sa suspek na kinasuhan ay sina Benjamin Gamboa, 31; Rodrigo Veloso, 44; Rolando Ventura, 42, na dinakip sa Barangay Luklukan Sur; samantalang sina Santiago Baredo, 31; Renato Bausa, 39 at Arnulfo Dolina, 46 ay dinakip sa Sitio Turayo, Barangay Luklukan Norte. Ayon kay P/Chief Insp. Randy Glenn G. Silvio, ang mga dinamita na nakumpiska ay pinaniniwalaang gagamitin sa mining operation. (Francis Elevado)
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Bayolenteng kamatayan ang sinapit ng isang 44-anyos na barangay chairman makaraang pagbabarilin ng mga hindi kilalang kalalakihan habang ipinaparada ng biktima ang kanyang sasakyan sa tapat ng Barangay Hall kamakalawa ng gabi sa Barangay Banahao, Dimasalang, Masbate. Nasapol sa ulo ang biktimang si Virgilio Esparrago, matapos na ratratin bandang alas-7:30 ng gabi. May teorya ang pulisya na mga baguhang recruit ng mga rebeldeng New Peoples Army ang pumaslang sa nabanggit na barangay chairman, subalit hindi naman isinasaisantabi ang anggulong may nakaalitan ang biktima sa kanilang barangay. (Ed Casulla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am