Union president dedo sa ambush
November 22, 2006 | 12:00am
LAGUNA Maagang nagwakas ang pamumuno ng isang union president ng malaking pabrika ng gatas sa bansa maka-raang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa bahagi ng Barangay Poblacion, San Pedro, Laguna kahapon ng umaga.
Ayon kay P/Superintendent Sergio Dimandal, San Pedro police chief, papasok na ng planta ang biktimang si Andrew "Bok" Iñoza sakay ng kanyang motorsiklo nang harangin ng apat na kalalakihan sa Cataquiz 2 Subdivision sa nabanggit na barangay at sunud-sunod na pinaputukan ng baril.
Sugatan naman ang tricycle driver na si Ramon Laude, matapos tamaan sa kaliwang hita ng ligaw na bala ng baril at kasalukuyang nagpapagamot sa Divine Mercy Hospital sa bayan ng San Pedro.
Ang 48-anyos na biktimang residente ng Barangay Landayan sa bayang nabanggit at union president ng Alaska Milk Workers Union na tumatayo ring chairman ng Partido ng Manggagawa sa Unang Distrito ng Laguna, ay sinigurong patay bago iwanan ng mga killer na pinaniniwalaang mga bayarang mamamatay-tao.
"Posible kagagawan ng mga propesyonal na killer ang pagpaslang dahil mabilis na naisagawa ang pagpatay at talagang sinigurado pa nilang walang buhay ang biktima bago iniwan," dagdag pa ni Dimandal.
Sa panayam ng PSN kay Arman Albarillo, Secretary General ng Bayan (Bagong Alyansang Makabayan) -Southern Tagalog ang pagpatay kay Iñoza ay posibleng kagagawan na naman ng gobyerno para supilin ang karapatan ng mga manggagawa.
"Ito ay isa na namang uri ng pananakot sa hanay ng mga manggagawa para mapagbigyan ang kagustuhan ng mga dayuhang kapitalista" dagdag pa ni Albarillo.
Samantala, inaalam pa rin ng mga awtoridad kung ano ang tunay na motibo ng krimen at maiugnay ang mga natatanggap na death threats sa buhay ni Iñoza bago ito pinaslang.
Nagsasagawa na rin ng follow-up operation ang mga awtoridad sa Laguna at kalapit bayan ng Cavite, Batangas, Rizal at Quezon na posibleng lugar na pagtaguan ng mga killer. (Arnell Ozaeta, Ed Amoroso At Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
January 15, 2025 - 12:00am