Pagawaan ng pekeng barya at ginto ni-raid
November 21, 2006 | 12:00am
Sinalakay ng mga tauhan ng PNP-Maritime Group ang abandonadong babuyan sa Guiguinto, Bulacan na ginawang pagawaan ng mga pekeng barya na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawang sibilyan, ayon sa ulat ng pulisya.
Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Jose "Jun" Maniquis, 38, ng #28 Magsaysay St., T.S. Cruz Subd., Novaliches, Quezon City at si Jorry Dilit, 22, tubong Cagayan De Oro City.
Base sa ulat, unang target ng grupo nina P/Senior Insp. Ramon Arsenal at P/Senior Insp. Regalado Acano, ang isang alyas "Mang Boy" dahil sa paggawa ng dinamita sa pangingisda, subalit may ilang metro lamang ang layo nang umalingasaw ang amoy asido mula sa abandonadong babuyan kaya agad na tinungo ng mga operatiba ang nasabing lugar.
Lumantad sa mga awtoridad ang dalawang suspek na nagtutunaw ng mga barya mula sa malaking kawan.
Nasamsam sa suspek ang limang bag ng 25 centavo coins, blower, 5 piraso ng solid hallow arn na gamit sa pagmo-molding ng tinunaw na barya, 22 piraso ng molded bronze metal na ginagawang barya, 4 na bag ng scrap at unprocess coins at dalawang pirasong metal scoop. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest