^

Probinsiya

1 dedo, 1 sugatan sa bangga

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang 45-anyos na mister ang nasawi at isa pa ang malubhang nasugatan matapos silang salpukin ng isang motorsiklo habang nag-aantay ng sasakyan sa kahabaan ng National Road, sa Barangay Haring, Canaman, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Nakilala ang biktima na hindi na umabot pa ng buhay sa Bicol Medical Center ay si Finly Imperial, residente ng Barangay San Isidro, Magarao, Camarines Sur. Samantala malubhang nasugatan na isinugod din sa naturang pagamutan ay kinilalang si Aldrin Bron, 21, binata, driver ng motorsiklo at residente ng No. 580 Metro Homes, Calauag, Naga City. Batay sa ulat, dakong alas-2:55 ng hapon habang ang biktima ay nakatayo sa tabi ng kalsada nang bigla na lamang banggain ng isang motorsiklo (EG-5888) na minamaneho ni Bron sanhi ng agarang pagkasawi ng una (Ed Casulla)
P28-M illegal drugs sinunog
CAMP CRAME – Umaabot sa P28 milyong halaga ng mga nasamsam na illegal na droga ang sinunog ng mga awtoridad sa isinagawang ‘ceremonial burning’ sa Burnham Park, Baguio City kamakalawa ng umaga. Ayon kay Supt. Oliver Enmodias, Director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office sa Cordillera kabilang sa sinunog na mga epektos ay 11.01162 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P22-M at 249.849 kilo ng marijuana na nagkakahalaga naman ng mahigit P6-M. Sinabi ni Enmodias na ang sinunog na bulto ng mga illegal na droga ay ginamit na ebidensya sa mga kasong nadesisyunan na ng korte laban sa mga nasakoteng hinihinalang drug traffickers. Kabilang dito ay ang kaso ng suspek na si Chung Shiao Tseng na nasamsaman ng 11 kilo ng shabu sa kanyang hideout noong 2005; Romeo Pascual na nakuhanan naman ng 159.259 kilo ng marijuana noong Abril 5, 2005; Oliver Bagayo, nasamsaman ng 14.99 kilos ng marijuana noong Mayo 21, 2006; Tanacio Tay-ew Pacatew, na nakumpiskahan naman ng 22 kilos ng marijuana noong April 28, 2004 at Santos Balabal Lindawan, na nasamsaman naman ng 22 kilos noong October 6, 2005. (Joy Cantos)

vuukle comment

ALDRIN BRON

BAGUIO CITY

BARANGAY HARING

BARANGAY SAN ISIDRO

BICOL MEDICAL CENTER

BURNHAM PARK

CAMARINES SUR

CHUNG SHIAO TSENG

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ED CASULLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with