^

Probinsiya

Air Force man dedo sa ambush

-
BATANGAS – Tinambangan at napatay ang isang 28-anyos na miyembro ng Philippine Air Force ng nag-iisang armadong lalaki habang nagmamaneho ng kotse ang biktima sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Pook sa Lipa City, Batangas noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Airman 1st Class Ernie Villapando, naka-assign sa motorpool ng Fernando Airbase sa Lipa City.

Base sa ulat ni P/Senior Superintendent David Quimio, hepe ng Lipa PNP, naitala ang pananambang bandang alas-8 ng gabi habang nagmamaneho ng kotse (PJG-146) ang biktima at binabagtas ang kahabaan ng nabanggit na highway.

Anim na bala ng baril ang tumapos kay A1C Villapando, samantala, tumakas naman ang suspek patungong Barangay Mataas na Lipa na nailarawan ng mga saksi na naka-baseball cap at naka-itim na jacket.

Ayon kay Quimio, hindi gawain ng mga rebeldeng New People’s Army ang ginawang pamamaraan ng pagpatay sa sundalo.

"Kung sparrow unit ito, hindi na para pa murahin nito ang biktima at magkasa pa ng baril bago pa paputukan ang kanyang target," dagdag pa ni Quimio.

Napag-alamang hindi propesyonal ang killer dahil itinayo pa nito ang kanyang motorsiklo sa tabi ng kotse ng biktima bago nito binuksan ang pinto ng sundalo at saka pa lang pinagbabaril. 

Sinisilip ng mga awtoridad na maaaring personal ang naging motibo ng pamamaslang habang patuloy pa rin ang pagkalap ng mga ebidensya para sa iba pang anggulo ng kaso. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY MATAAS

BARANGAY POOK

CLASS ERNIE VILLAPANDO

FERNANDO AIRBASE

LIPA CITY

NEW PEOPLE

PHILIPPINE AIR FORCE

QUIMIO

SENIOR SUPERINTENDENT DAVID QUIMIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with