Chief mechanic ng UPLB tinumba
November 14, 2006 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Hindi na nakapasok ng trabaho ang isang 46-anyos na kawani ng University of the Philippines-Los Baños (UPLB) sa Laguna makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng hindi kilalang lalaki sa loob ng campus ng nabanggit na unibersidad kahapon ng umaga.
Anim na bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Juan Alborida, chief mechanic ng Agricultural Machinery Development Program ng UPLB at hepe ng barangay tanod sa Barangay Tuntungin, Los Baños, Laguna.
Sa ulat ni Senior Inspector Aldrin Abila, Los Baños, police chief ng nabanggit na bayan, akto na sanang magpa-punch ng time card si Alborida sa harap mismo ng kanyang tanggapan ng bigla na lang lapitan at pagbabarilin ng nag-iisang suspek bandang alas-8:30 ng umaga.
Naisugod pa sa UPLB infirmary ang biktima, subalit idineklarang patay ni Dr. Reaño, ayon pa kay Abila.
Sa pahayag ng mga saksi, mabilis na tumakas ang suspek na may suot na helmet sakay ng motorsiklo bago sumibad patungo sa di pa malamang direksyon.
Nakarekober ang mga pulis sa pinangyarihan ng krimen ng tatlong deformed slugs at anim na basyo ng bala na ginamit ng salarin.
Kasalukuyan ng nagsasagawa ng manhunt operation ang pulis habang inaalam pa rin ang motibo ng pamamaslang. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended