Bus vs bus: 2 dedo, 13 sugatan
November 12, 2006 | 12:00am
LABO, Camarines Norte Dalawang sibilyan ang kumpirmadong namatay habang labintatlo naman ang sugatan makaraang magsalpukan ang dalawang bus sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Bulhao at Awitan sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa ng hapon.
Nagtamo ng maraming sugat sa katawan ang mga nasawing biktima na sina Ireneo Barrameda ng bayan ng Capalonga at si Maria Linda Abogado ng Barangay Awitan.
Nasa St. John the Apostle Hospital at Camarines Norte Provincial Hospital, ang mga sugatang sina Marites Padua, Donna Silvio, Catherine Solas, Albert Metzusuki, Ines Francisco, Emily Nano, Elmie Nano, Realyn Nataño, Jolita Ingatan, Tomas Villanueva, Elizer Obligon, Ronald Cambronero at si Armando Villaluna.
Sa ulat ng pulisya, naitala ang sakuna dakong alas-2:45 ng hapon matapos na mag-overtake ang pampasaherong Capalonga Transit Bus (EVK 124) ni Bernie Salva sa traysikel ni Al Villafuerte.
Dahil sa mabilis ang pagpapatakbo ng bus sa kurbadang lansangan ay hindi na nakontrol ng drayber ang bus at sumalpok sa kanang bahagi ng kasalubong na Isarog Bus ni Jaime Briones na may lulang mga pari na wala naman nasugatan.
Kapwa naman iniimbestigahan ni P/Insp. Paquito Villanueva, hepe ng pulisya, ang dalawang drayber. (Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended