Trader tinodas sa palengke
November 9, 2006 | 12:00am
CAVITE Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 42-anyos na negosyante ng hindi kilalang lalaki sa naganap na karahasan sa loob ng pampublikong palengke na sakop ng Tanza, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang pinaslang na biktimang si Elmer Rivas ng Barangay Daang Amaya 1 ng bayang nabanggit. Ayon kay PO2 Neil Morano, nagbabantay sa tindahan ang biktima sa loob ng public market nang lapitan ng hindi kilalang lalaki na nagpanggap na bibili, subalit pinaputukan ng ilang ulit ang negosyante. Sinisilip ng pulisya ang anggulong love triangle na posibleng may kinalaman sa krimen. (Cristina Timbang)
NUEVA ECIJA Kalaboso ang binagsakan ng mag-syota na pinaniniwalaang kasapi ng sindikatong Salisi Gang makaraang maaktuhang nagnanakaw ng mga kagamitan sa loob ng Dallas Hotel sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Castellano sa bayan ng San Leonardo, Nueva Ecija kamakalawa ng umaga. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Rodolfo Baladia, 47, ng Barangay Sto. Cristo, San Isidro at si Cristina Bautista, 37, isang overseas Filipino worker at residente ng Sitio Putol, Barangay Niyugan, Jaen, NE. Ayon sa pulisya, ang dalawa ay nag- check-in sa nasabing hotel, subalit paglabas ay bitbit ang ninakaw na mga gamit kaya dinakma ng mga awtoridad sa tulong na rin ng mga tauhan ng hotel na nakilala ang mga suspek. (Christian Ryan Sta Ana)
CAMARINES NORTE Apat na rebeldeng New Peoples Army ang iniulat na napaslang sa magkahiwalay na bakbakan sa kagubatan ng sakop ng Camarines Sur at Leyte kamakalawa. Kabilang sa napatay ay si Valentino Salvino, habang ang tatlo ay bineberipika pa ang pagkikilanlan. Napag-alamang nakasagupa ng mga sundalo ng 31st Infantry Division ng Phil. Army ang grupo ng mga rebelde sa mabundok na bahagi ng Sitio Baghong Silang, Sipocot, Camarines Sur at napatay ang dalawang NPA kabilang na si Salvino. Kasunod nito, nakasagupa naman ng Armys 83rd Reconnaissance Company ang grupo ng rebelde sa Barangay Caabangan, La Paz, Leyte at napatay ang dalawang rebelde. (Francis Elevado)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended