4-minero todas sa nakalalasong gas
November 8, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Apat na minero ang kumpirmadong nasawi makaraang ma-suffocate sa tumagas na nakalalasong gas sa loob ng tunnel na sakop ng Purok 6, Barangay Inayagan, Calinan, Davao City, ayon sa ulat kahapon. Kabilang sa mga natigok na biktima ay sina Logen Hermosa, 19; Rafael Miole, 29; isang tinukoy na Ernesto Jr., 26; at Sermelio Templado, 58, na pawang residente ng Purok 10, Sitio Cal-Cal ng nabanggit na lungsod. Base sa ulat, ang apat ay pinaniniwalaang na-suffocate ng hindi pa mabatid na uri ng nakalalasong gas na tumagas sa may 80 talampakang lalim na hukay na pinaniniwalaang may nakabaong kayamanan.
Napag-alamang may ilang araw ng nawawala ang mga biktima simula ng umalis sa kanilang tahanan para maghanap ng kayamanan.
Ang bangkay ng mga biktima ay iniahon ng mga nagrespondeng search and rescue team habang iniimbestigahan ng pulisya ang naganap na insidente. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest