Nakilala ang mga suspek na sina Romy Palivino, chief barangay tanod; Pedro Nopia, tanod; Pablo Nopia, Jesus Nopia Jr. at Willy Nasol, pawang mga residente ng nabangit na barangay.
Ayon kay P/Sr.Supt Roque Ramirez ang PNP Provincial Director ng Albay na ang mag suspek ay kinilala ng isang saksi na nakakita sa mga pangyayaring pagmamasaker sa buong pamilya.
Ang mga biktima ay ang mag-asawang Jesus at Marlyn Moral at mga anak na sina Kenneth, Pipoy, Jesus Jr. at Joebet Gil, pawang mga residente ng naturang lugar.
Napag-alaman na ang suspek na si Pedro Nopia ay nakipagbarilan pa sa mga awtoridad nang siya ay tangkaing hulihin kamakalawa dakong alas-5:30 ng hapon subalit ito ay nakatakas.
Maging ang hawak na saksi ng mga awtoridad ay itinago na dahil sa takot nito na gawin din ng mga suspek ang ginawa ng mga ito sa pamilya Moral.
Ayon sa impormasyon bago nagsitakas ang mga suspek ay naroroon pa ang mga ito sa lugar, habang nagsasagawa ng pagsisiyasat ang mga awtoridad.
Hindi pa mabatid ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng mga suspek upang ubusin ang pamilya Moral sa pamamagitan ng karumal-dumal na krimen. (Ed Casulla)