3 todas sa diarrhea outbreak
November 5, 2006 | 12:00am
BUTUAN CITY Tatlong sibilyan mula sa liblib na bayan ng Loreto, Agusan del Sur ang iniulat na nasawi matapos magka-diarrhea outbreak sa dalawang barangay sa bayan ng Bunawan simula noong Abril 2006.
Ayon kay Dr. Chammie Flores, hospital chief sa bayan ng Loreto, karamihan sa mga pasyenteng na-admit sa nasabing ospital ay mga diarrhea patient na ayon sa statistical report, lumalabas na 40 hanggang 70-pasyente kada buwan ang may diarrhea.
Napag-alamang nagsimula ang diarrhea outbreak sa bahagi ng Barangay Kasapa kung saan may 26 kaso ang naiulat ng Rural Health Unit sa bayan ng Loreto at ilang barangay kabilang na ang Poblacion ay apektado na rin.
Kabilang sa napaulat na namatay sa diarrhea sa loob ng siyam na araw simula pa noong Hunyo 2006 ay sina Carlito Bruno, 21, ng Barangay Katipunan (June 22); Agtandi Iyanan,70, ng Barangay Waloe (June 27) at si Judy Ann Magdan, 3, ng Sitio Auroro, Barangay Johnson na nasawi noong Hunyo 30.
Kasalukuyang minomonitor ng mga doctor at nurses ang mga pasyente habang sinusuri naman ng mga Health workers ang tubig sa apektadong mga barangay na pinaniniwalaang kontaminado ng parasites na pinagmulan ng diarrhea.
Binalaan naman ni Dr. Flores ang mga residente na ugaliing maging milinis ang kanilang bakuran at maghugas ng kamay bago kumain.
Nagbigay naman ng P.5 milyong pondo si Rep. Rodolfo Plaza ng Agusan del Sur para sa libreng medisina sa mga pasyente ng diarrhea. (Ben Serrano)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended