Totoy nilamon ng buwaya
November 3, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Humabol sa biyahe na may rutang sementeryo ang isang 8-anyos na totoy makaraang lapain ng buwaya na pinaniniwalaang nakawala sa crocodile farm sa bayan ng Bataraza, Palawan sa naganap na malagim na Undas, ayon sa ulat kahapon.
Kinumpirma ng mga awtoridad sa nabanggit na bayan na ang biktima na halos magutay ang katawan ay nakilalang si Dodoy Crisostomo ng Barangay Malihud, Bataraza.
Batay sa ulat, ang biktima ay tumawid sa ilog noong gabi ng Miyerkules (Nov. 1) matapos na makipanood ng telebisyon sa bahay ng isa nitong kamag-anak sa kanugnog na bayan ng Rizal.
Napag-alamang habang tumatawid ang biktimang paluksu-lukso sa ilog ay aksidenteng natapakan nito ang ulo ng buwaya na napagkamalang bato.
Bunsod nito ay pumalag ang mabangis na buwaya at nilapang ang biktima bago iniluwa rin sa hindi nabatid na dahilan.
Ang Palawan ay dinarayo ng mga dayuhan at lokal na turista dahil sa ipinagmamalaking crocodile farm at karamihan sa mga magulang ay tinatakot ang kanilang anak tungkol sa kuwentong nilalapang ang mga batang makukulit ng mga buwaya upang hindi magtungo sa crocodile farm dahil sa panganib na kakaharapin ng mga paslit.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest