^

Probinsiya

Mag-ama inatado dahil sa tubig

-
CARMEN, Agusan del Norte – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 5-anyos na batang lalaki habang kritikal naman ang ama nito makaraang pagtatagain ng kanilang kapitbahay na tumangging magpaigib ng tubig sa balon sa Purok 4, Barangay Kahayagan sa bayan ng Carmen, Agusan del Norte kamakalawa ng hapon.

Nagtamo ng maraming sugat sa katawan ang nasawing biktima na si Jamiel Ampong, samantalang nakikipaglaban kay kamatayan ang ama ni Jamiel na si Alejo Ampong, 29.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Charito "Boboy" Gabor na tumakas matapos ang krimen dakong alas-4:30 ng hapon.

Sa ulat ng pulisya, nag-iigib ng tubig ang mag-ama sa balon nang dumating ang suspek na nagalit dahil sa walang paalam na kumuha ng tubig ang mga biktima. Agad na kinuha ng suspek ang itak at pinagtataga ang mag-ama. (Ben Serrano)

vuukle comment

AGUSAN

ALEJO AMPONG

BARANGAY KAHAYAGAN

BEN SERRANO

BOBOY

CHARITO

GABOR

JAMIEL

JAMIEL AMPONG

NORTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with