^

Probinsiya

Maglola minartilyo ng adik, patay

-
CAVITE – Brutal na kamatayan ang sinapit ng maglola makaraang martilyuhin ng hindi kilalang lalaki na pinaniniwalaang lango sa bawal na gamot sa naganap na bayolenteng krimen sa Purok 136, Barangay Niogan, Tagaytay City, Cavite kamakalawa ng umaga.

Bandang alas-11 ng umaga nang matagpuan ang duguang bangkay ng mga biktimang sina Crisanta Ferman y Gatpandan, 80, biyuda at Cristina Peji y Gatpandan, 14, estudyante at kapwa naninirahan sa Barangay Sambal, Tagaytay City.

Ayon kina SPO3 Leonardo Mojica at PO2 Leodines Mendoza, nadiskubre ang krimen matapos na magtungo si Emiteria Alvarez’ sa tahanan ng maglola upang ipaalam na sa kanilang bahay gaganapin ang pagrorosaryo.

Base sa pagsusuri ng pulisya, na minartilyo sa ulo ang maglola kaya halos madurog ang bao nila.

Napag-alaman din na nagbabantay ang maglola sa pag-aaring lupain sa nabanggit na barangay na posibleng kakilala ng mga biktima ang killer dahil hindi kumahol ang alagang aso.

vuukle comment

AYON

BARANGAY NIOGAN

BARANGAY SAMBAL

CRISANTA FERMAN

CRISTINA PEJI

EMITERIA ALVAREZ

GATPANDAN

LEODINES MENDOZA

LEONARDO MOJICA

TAGAYTAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with