Drayber dinedo dahil sa pilahan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Kalawit ni kamatayan ang sumalubong sa isang 23-anyos na drayber ng traysikel makaraang pagtulungang saksakin at barilin ng mag-utol na drayber dahil sa alitan sa pilahan ng sasakyan sa Barangay Ubongan Diot, Baleno, Masbate kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na biktimang si Roy Rapsing, samantalang tugis naman ang mga suspek na drayber din ng traysikel na sina Raining Campo at Allan Campo. Napag-alamang kinompronta ng mga suspek ang biktima dahil sa pilahan ng traysikel hanggang sa magkainitan at humantong sa krimen. Agad namang tumakas ng mag-utol matapos isagawa ang pamamaslang. (Ed Casulla)

Show comments