Sa ulat ni Captain Noel Abello, spokesman ng AFP-Western Mindanao Command, ang suspek ay isang dating kasapi ng Moro National Liberation Front (MILF) na na-integrate sa Philippine Army.
Gayon pa man, tumanggi munang tukuyin ang pangalan ng nasawing sundalo na nakatalaga sa Army Engineering Brigade dahil kailangan pang impormahan ang pamilya nito habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng napatay na sibilyan.
Ayon sa ulat, bandang alas-2:30 ng madaling-araw nang biglang sumulpot sa lugar ang nag-amok na sundalo at pinagbabaril ang dalawang biktimang natutulog sa naturang lugar.
"There is an investigation going on and we are awaiting the official reports about the attack. This could be related to family feud or an old grudge," pahayag ni Brig. Gen. Raymundo Ferrer, commander ng 1st Division ng Phil. Army. (Joy Cantos)