Si San Miguel Mayor Edmundo Jose Buencamino ay pormal na pinalitan ni Vice Mayor Roderick Tiongson bilang acting mayor, samantalang si Konsehal John Mendez ang pumalit kay Tiongson bilang bise alkalde sa loob din ng anim na buwan.
Napag-alamang kinasuhan si Mayor Buencamino sa Ombudsman ng Rosemoor Mining Development Corporation ng grave misconduct, abuse of authority at conduct prejudicial to the interest of the service.
Ito ay dahil sa ilegal na paniningil ni Buencamino ng passway fees mula sa mga trak na humahakot ng mga bloke ng marmol mula sa bulubunduking bayan ng Doña Remedios Trinidad na dumadaan sa bayan ng San Miguel.
Ayon sa RMDC, umabot sa P12-milyon ang nakulekta ni Mayor Buencamino mula sa mga trak na siningilan ng P1,000 kada biyahe.
Bilang depensa, sinabi ni Buencamino na ipinatutupad lamang niya ang ordinansa ng bayan, subalit pinasinungalingan ito ng Sangguniang Bayan sa pagsasabing hindi maaring ipatupad ang nasabing ordinansa dahil hindi iyon pinagtibay ng Sangguniang Panglalawigan noong 1989.
Noong Abril 2006, ipinalabas ng Ombudsman ang desisyon sa kaso na pabor sa RMDC, subalit buwan na ng Hulyo ng maipadala ang kopya ng suspensyon sa mga sangkot sa kaso.
Noong Agosto 16, 2006 ay nakakuha ng TRO si Mayor Buencamino sa Court of Appeals hanggang sa natapos noong Miyerkules ng hapon kayat itinalaga ng DILG sina Tiongson at Mendez. (Dino Bal