^

Probinsiya

Mag-asawang NPA nag-suicide

-
NUEVA ECIJA – Pinaniniwalaang natakot sa resbak na gagawin ng mga kasamang rebelde kaya nagdesisyon mag-suicide ang mag-asawang rebeldeng New People’s Army matapos na uminom ng insecticide noong Huwebes (Oktubre 12) sa Barangay Conversion, Pantabangan, Nueva Ecija. Kinilala ni Lt. Col. Joselito Kakilala, commander ng 48th Infantry Battalion ng Phil. Army, ang mag-asawang sina Librado, 40 at Rosemarie Gallardo, 35. Napag-alamang si Librado ay ika-2 kalihim ng Barangay Revolutionary Committee, habang si Rosemarie naman ay ingat-yaman sa Pangkat Katipunan ng Magsasaka. Ayon sa ulat, unang kumalat ang balita na mag-suicide ang mag-asawa, subalit sa impormasyong nakalap ng mga awtoridad, lumilitaw na hinahanap ng mga opisyal ng NPA ang malaking pondo ng samahan sa mag-asawang Gallardo. (Christian Ryan Sta. Ana)
Aleman dedo sa akyat-bahay
CAMP CRAME – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 61-anyos na Aleman ng dalawang notoryus na Akyat-bahay Gang makaraang pasukin ang bahay ng biktima sa bayan ng Barangay Otod, San Fernando, Romblon kamakalawa ng gabi. Dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ni Guinter Brower, samantalang nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan ang live-in partner na si Emy Andres matapos na makapagtago sa loob ng kanilang kuwarto. Ayon sa ulat, nakapasok ang mga suspek matapos na wasakin ang beranda sa balkonahe ng tahanan ng biktima. Matapos na makuha ang hindi nabatid na malaking halaga ay agad na tumakas sa hindi nabatid na direksyon. (Joy Cantos)

vuukle comment

ALEMAN

AYON

BARANGAY CONVERSION

BARANGAY OTOD

BARANGAY REVOLUTIONARY COMMITTEE

CHRISTIAN RYAN STA

EMY ANDRES

GUINTER BROWER

INFANTRY BATTALION

JOSELITO KAKILALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with