^

Probinsiya

3 pulis nagbarilan; 1 patay

-
MALOLOS CITY, Bulacan –Isang civilian bodyguard ng hepe ng police precinct ang iniulat na napatay makaraang magbarilan ang tatlong pulis sa bahagi ng Barangay Sto. Cristo, San Jose del Monte City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni P/ Supt. Sheldo Jacaban, hepe ng provincial intelligence and investigation branch (PIIB) kay P/Supt. Gregorio Lim, hepe ng SJDM City, kinilala ang nasawing biktima na si Ramil Balletan.

Samantala, ginagamot naman sa ospital ang mga sugatang pulis na sina P/Supt. Quitorio Venagera, hepe ng Galas Police Precinct sa Quezon City na residente ng North Gate Suvbd. sa nabanggit na barangay; SPO2 Ranilo Bambalan, nakadestino sa Capiz Provincial Police Office sa Region 8; at PO3 Andres Telles, kapitbahay ni Venagera at nakadestino naman sa Camp Crame, Quezon City.

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-12 ng madaling-araw, nagkukuwentuhan sina Balletan at ang mag-asawang Venagera sa harap ng kanilang bahay nang dumating ang kapitbahay na si Telles na may hawak na baril.

Napag-alamang nagtalo sina PO3 Telles at Supt. Venagera tungkol sa kanilang matandang alitan, subalit nakaramdam ng pangamba ang mag-asawang Venagera kaya’t pumasok sila sa loob ng kanilang bahay at naiwan sina PO3 Telles at ang bodyguard ng mag-asawa na si Balletan.

Ilang sandali ay binaril sa ulo si Balletan ni PO3 Telles, habang si Venagera sa kanang bahagi ng katawan hanggang sa lumapit si SPO2 Bambalan na noo’y nakatambay sa kalsada upang mapigilan ang susunod pang mangyayari, subalit nabaril din sa kaliwang tuhod hanggang sa sunud-sunod na umalingawngaw ang putok ng baril.

Si Balletan ay idineklarang patay sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital sa Caloocan City, samantalang si Venagera  naman ay dinala sa Bulacan Provincial Hospital, si Bambalan  ay sa Far Eastern University Hospital sa Fairview, at si Telles  ay nasa St. Luke’s Hospital dahil sa tama ng bala sa tiyan. (Dino Balabo)

ANDRES TELLES

BALLETAN

BAMBALAN

BARANGAY STO

BULACAN PROVINCIAL HOSPITAL

CALOOCAN CITY

CAMP CRAME

CAPIZ PROVINCIAL POLICE OFFICE

QUEZON CITY

VENAGERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with