^

Probinsiya

87 kadete nalason

-
BATAAN – Aabot sa walumpu’t pitong kadete ng Maritime Academy of Asia and the Pacific ang nalason sa kontaminadong pagkain noong Linggo ng gabi sa Barangay Alas-Asin sa bayan ng Mariveles, Bataan.

Ayon kay Dr. Renato Camacho, staff physician ng St. Joseph Hospital sa Balanga City, dakong alas-9 ng gabi nang isugod ang mga pasyenteng nanakit ang tiyan, nahihilo, nagsusuka at nanlalambot ang katawan sanhi ng pagkaing luncheon meat, pork-and-beans at tokwa’t baboy noong Linggo ng umaga matapos ang kanilang pagja-jogging.

Aabot naman sa 35-kadete ang dinala sa Isaac Catalina Medical Center, pito naman sa Bataan Doctors Hospital at dalawa sa Women’s Hospital na nasa Balanga City at dalawampu’t limang mag-aaral din ang kasalukuyang ginagamot sa St. Michael Hospital sa bayan ng Orion.

Sa salaysay ng isang 17-anyos na biktimang si Frederick Mercado, na ngayon ay nasa ICMC, kumain lamang siya ng pork-and-beans at luncheon meat hanggang sa makaramdam ng pananakit ng tiyan, pagkahilo at pagsusuka ganap na alas- 6 ng gabi.

Sa panayam naman kina Jo Kevin Cauyan,17, 1st year; at Rommel Sandig, 21, 4th year kapwa kumukuha Bachelor of Science in Marine Transportation, na nasa St. Joseph Hospital, nakaranas din sila ng pananakit ng tiyan, pagkahilo at pagsusuka matapos maghapunan ng tokwa’t baboy, luncheon meat noong Linggo ng umaga.

Pinagbawalang magbigay ng pahayag ang mga estudyante ng management ng MAAP partikular sa mga mamamahayag. Hanggang kahapon ng umaga ay patuloy na inoobserbahan ng mga doctor ang mga kadeteng nalason, habang sinusuri ng mga awtoridad ang sample ng mga pagkaing nakalason sa mga biktima. (Jonie Capalaran At Joy Cantos)

AABOT

BACHELOR OF SCIENCE

BALANGA CITY

BARANGAY ALAS-ASIN

BATAAN DOCTORS HOSPITAL

DR. RENATO CAMACHO

FREDERICK MERCADO

LINGGO

ST. JOSEPH HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with