Tiktik ng pulis itinumba
October 10, 2006 | 12:00am
RIZAL Binaril at napatay ang isang 26-anyos na lalaki na pinaniniwalaang tiktik ng pulisya sa naganap na pagsalakay sa tupadahan sa Barangay San Luis, Antipolo City kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa dibdib ng bala ng baril ang biktimang si Serio Datilag ng Lower Lucban, Barangay Dela Paz ng nabanggit na lungsod. Arestado naman ang suspek na si Bartolome Gacosta, 42, ng nasabing barangay.
Sa ulat ni P/Supt. Freddie Panen, Rizal provincial director, sinalakay ng mga tauhan ng Police Community Precinct 1 ng Antipolo City ang isang tupada sa Sitio Pinagminahan, kasama ang biktima. Napag-alamang dinakma ng biktima ang suspek. Nagkasigawan ang dalawa hanggang sa magbunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang biktima. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended